Saturday, October 13, 2012

Walang Ligtas is Pedro

Kamatayan: Pedro kukunin na kita!

Pedro: Huwag na po muna ngayon, marami pa akong gagawin.

Kamatayan: Di pwede! Ikaw ang una sa listahan ko eh...

Pedro: Sandali lang, ipagtitimpla kita ng kape.

(Nilagyan ni Pedro ng pampatulog ang kape ni Kamatayan. Nang makatulog ito, binura niya ang pangalan niya sa unahan at inilagay sa hulihan.)

Kamatayan: Nakatulog ako nang mahimbing! Dahil mabait ka sa akin, sa hulihan na ako magsisimula.

No comments:

Post a Comment